Pagsasalin-Dila: Tulay ng Tao, Wika, Lipunan, at Kultura.
Ang ng pagsasalin ng wika ay nakakatulong sa mga tao na nagmula sa iba't ibang pinagmulan ng wika na maunawaan ang isa't isa, na ginagawang mas madali ang pagbuo ng mga relasyon sa lipunan. Sinusuportahan nito ang panlipunang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpayag sa lahat na makilahok sa mga pag-uusap, serbisyo, at mga kaganapan sa komunidad. Tinatanggal ng pagsasalin ang mga hadlang sa komunikasyon, lalo na sa mga pamayanang multikultural. Halimbawa, sa mga ospital, tinutulungan ng mga tagasalin ang mga doktor at pasyente na makipag-usap ng malinaw, na tinitiyak ang mas mahusay na pangangalaga. Sa mga paaralan at opisina ng gobyerno, ang pagsasalin ay tumutulong sa mga tao na ma-access nang pantay-pantay ang mahalagang impormasyon at serbisyo.
Ang pagsasalin-dila ay nakakatulong sa komunikasyon o palitan ng ideya at salita ng mga taong iba-iba ang kultura. Ang pagsasalin-dila ay nagbibigay ng dagdag impormasyon sa istruktura ng komunikasyon. Ang pag-resolba at pag-aayos ng tunggaliang sangkot sa pag-uusap ng mga taong iba-iba ang kultura ay isa sa mga halimbawa ng maayos na gamit at tulong ng pagsasalin-dila. Sa pamamagitan nito naipapakita ang pagiging maayos na gamit sa komunikasyon. Ayon sa konsepto ng Interkultural na komunikasyon, ang Wika ay isang makapangyarihang ginagamit sa pakikipag-komunika at makipag-ugnayan. Makabuluhan ang kahalagahan ng wika sa kontekstong interkultural na komunikasyon, dahil ito ay nakakatulong sa pag-iwas ng tunggaliang pasalita at komunikasyon.
Sa pamamagitan ng pagsasalin-dila naipasa ang mga kultura at tradisyon dahil itinuturo ito mula sa isang wika papunta sa iba. Halimbawa, kung ang isang alamat o kanta sa probinsya ay isinalin sa Filipino, mas maintindihan ito ng mas maraming tao dahil ginagamit natin ang pambansang wika at hindi lang mga taga-roon ang nakakaalam kundi pati na rin ang ibang tao. Malaking tulong ang pagsasalin-dila sa pagprotekta ng kultura kasi hindi agad ito mawawala kahit mag-iba ang panahon, kapag naisalin ang mga kwento o tula sa mas kilalang wika, mas maraming makakabasa at nakakaintindi. Sa ganitong paraan, mas kumakalat at mas binibigyang halaga ng ibang tao ang ating kultura. Halimbawa, ang epiko na Biag ni Lam-ang mula sa Ilocano ay isinalin sa Filipino at Ingles kaya nababasa ito ng mga estudyante sa buong bansa. Isa pa, may mga kanta sa Mindanao na isinalin sa Filipino para maunawaan din ng mga tao sa ibang lugar.
Malinaw na ang pagsasalin-dila ay nagsisilbing mahalagang tulay sa pagitan ng tao, wika, at lipunan. Tulad ng nabanggit, ito’y hindi lamang paraan ng pagpapalitan ng salita kundi isang mabisang kasangkapan upang maunawaan ang iba’t ibang kultura at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Higit pa rito, makatutulong ito sa pagpapanatili ng pagkakaisa ng lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na akses sa impormasyon at serbisyo, gaya ng sa edukasyon, kalusugan, at pamahalaan. Sa kabuuan, ang pagsasalin-dila ay isang makapangyarihang hakbang tungo sa mas inklusibo at maayos na komunikasyon. Ito ay hindi lamang nagbibigay linaw sa mga ideya kundi nagbubuo rin ng mas matibay na ugnayan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng tao. Kaya’t mahalagang bigyan ng pagpapahalaga ang pagsasalin-dila sapagkat ito ang susi sa mas maunlad, nagkakaisa, at nagkakaunawaang lipunan.
Sa huli, ang tulay ng mga salita ay hindi na magguguho kung hawak natin ang susi ng pagsasalin-dila, hindi lamang upang maiwasan ang hadlang ng hindi pagkakaunawaan, kundi upang buuin ang isang mundong tunay na magkaisa.
Ano ang iyong magiging hakbang upang maging bahagi sa pagpapatibay ng tulay na ito?

Comments
Post a Comment