Posts

Pagsasalin-Dila: Tulay ng Tao, Wika, Lipunan, at Kultura.

Image
  Ano ang mangyayari kung ang isang tulay ng mga salita ay biglang gumuho–maaari bang maging hadlang ang wika sa pagkakaisa ng mga tao, lipunan, at kultura, o siya pa ang susi upang magkaisa ang mundo?           Ang pagsasalin-dila ay nagsisilbing isang tulay sa pagitan ng tao, wika, lipunan, at kultura ngunit kapag ito ay biglang gumuho maaaring mawalan tayo ng pagkakataon makipag-ugnayan sa mga tao at ang kanilang personal na pagkakakilanlan. Ang pasalin-dila ay isang paraan ng paglipat ng mga kwento, alamat, epiko, kasabihan, at iba pang panitikan mula sa bibig ng tao patungong iba pang tao sa pamamagitan ng pagsasalita o pagkukwento. Sa pamamagitan nito, naipapasa ang kaalaman, tradisyon, kultura, at mga karanasan mula sa isang henerasyon patungo sa iba pa, na naging daan upang mas maintindihan at ipagpatuloy ang ugnayan ng mga tao kahit iba ang kanilang wika. Sa talakayang ito, talakayin natin hindi lamang ang kahalagahan ng pagsasalin-dila pati ...